Booking.com

Bakit single ka pa teh?

Friday, August 22, 2014

Pagod ka na ba sa tanong na bakit wala ka pang boyfriend?      
   
At the age of 24, rinding rindi na ko sa tanong na yan. My friends are like ‘bakit wala ka pang boyfriend?’ ‘Hoy mag bf ka na nagkaka edad ka na’ ‘Choosy ka siguro’.

So eto na po ang kasagutan…


Bakit nga ba wala pa kong bf… Una, Kapag gusto ko hindi ako gusto. Pangalawa, gusto niya ako hindi ko siya gusto at kapag nagugustuhan ko na siya bigla naman siyang nagkaka gf o nawawala. Pangatlo, friendzone, kaibigan ko siya kaya hindi pwede. 

Doing my article


Yes nagkakaedad na ako but 24 is a way long to go to have fun and enjoy my singlehood. But yes, I really need to be in a relationship at this age, so that may foundation na kami in the age I wanted to get married.  Someone na makakasama ko sa travel at places only made for couples like manila bay cruise, Antipolo overlooking and etc. Di ko naman pwedeng yayain ang bestfriend ko dun kasi everytime nga na magkasama kami lagi niya ring sinasabi magboyfriend na ko para may makasama naman ako sa places na gusto ko. Everytime na may lakad at kasama nila ang mga gf o bf nila laging sinasabi isama mo ang bestfriend mo kasi alam nila na yun lang pwede kong isama (malas lang kung may lakad si best). Pag may magandang palabas sa sine laging si bestfriend din ang tinatawag. Pero minsan nararanasan ko na mag isa lang manood. At naiinggit pag may nakikitang couple na sweet at holding hands pa sa sinehan buti nalang patay ang ilaw kundi baka nabato ko na ng popcorn ang mga yun sa sobrang bitterness.

Hindi po ako choosy. Katulad ng nakararami sa personality lang din ako tumitingin. Pero syempre first thing for most maaattract ka sa itsura pero eventually kung hindi maganda ang ugali wala din. Maraming nagsasabi high standard daw ako. Hindi po ako high standard, mala Daniel Padilla lang naman dream guy ko masama ba yun? (hehe). Siguro naniniwala parin ako sa pagiging old-fashioned. I wanted someone I’ve met personally pero hindi naman yung one-night stand ah. Im not into guys ive met on social media like facebook, we chat, etc. pero syempre hindi ko rin naman sinasara ang pinto ko sa possibility na dun ko siya makilala. But I want something different, someone who’s brave enough to make an effort to me. Someone who can find me. Kasi pagod na kong maghanap. Pagod na pagod na.

Pero alam mo yung feeling na kating kati ka na maglagay ng In A Relationship with Daniel Padilla o kaya yung mag post ng mga happy monthsary babe na may kasama pang cake at flowers (parang may birthday lang). O kaya mag tago ng gift sa bag niya o sa pocket niya (Gawain ko noon). O kaya may katawagan at ka text araw araw. Pero litsi wala pa. Oo nakakainggit. Nakakainggit kapag nakikita mo ang mga kaibigan mo sa newsfeed mo na 3 years na sila o 5 years na sila ng bf niya. Its like totoo pala ang forever (-_-) ang happy naman nila, kailan kaya ang ending, para ako naman (hehehhe) .

Laging bridesmaid sa kasal. Nakakakuha ng flowers, pero hindi naman sumusunod na ikasal (although ayoko pa naman din ikasal, boyfriend muna). Sana next time cash na lang ang ihagis nakabili pa ko ng merell na shoes.

Minsan haharap ako sa salamin at itatanong pangit ba ako? Kung maganda ako bakit ayaw sakin ni Daniel Padilla?

But single people are the bravest one on earth. Why? Because they don’t rely/depend their happiness to someone. Yes its lonely sometimes. That’s why its so amazing that someone can actually stay that for about a couple of years. Im 2 years single not so long, but for others its so long. Yeah about 1 year hoping for my ex to comeback and another year bandaging my heart. But now im not hoping anymore I know his happy now, that’s why im happy too, that’s how much I love him. Yeah sometimes too much love will keep you single too. But not actually, its just that this time you wanted for real.

So being single, enjoy mo lang. Go travel, go to places you’ve never been, do a checklist. Like me, I do list of the places I wanted to go, next time ill do an article regarding the best places to break up. Go shopping; yes buy that stiletto you’ve always wanted to have. Its your time to be pretty and fabulous. Try new hobby, when I was just coping with break up running is my best medicine to forget all the hurt. Yes doing exercise and sports will make you forget those stressful things. Dream big, this is your time to fulfill your dreams. Eat, try to explore new restaurant and don’t you worry about being fat or gaining an extra hip just buy a new pants. In my case I always like to try exotic food I don’t know I just wanted things Im not use to. And lastly, pray, I hope someone out there will come into your life just like how I pray for him everyday. I even cry hoping that he existed. I always pray for him to find me. Just don’t lose hope.

Kaya sa mga girls na katulad ko na rinding rindi narin sa tanong na why o why single ka pa teh. Wag kang malungkot. Sa totoo lang swerte ka. You have time to explore things. So smile and head up high beautiful.
Sa mga boys outhere pala ito pala number ko 0919---- (hahahha)….

Wandering dora

Popular Posts

Translate

 
FREE BLOGGER TEMPLATE BY DESIGNER BLOGS